LIST OF POPES OF THE CHURCH OF CHRIST ~ THE CATHOLIC CHURCH
FAKE NEWS ALERT: Italian Air Force "Air Show" Inakala ng INC™ 1914 na para sa kanilang anibersaryo ng Pagkakatatag!
1996: Ang Opisyal na Petsa ng Pagpaparehistro ng Iglesiang Tatag ni G. Felix Y. Manalo sa Jerusalem (Israel)
September 8 Feast - Happy Birthday to the Mother of God ~ the Blessed Virgin Mary Most Holy
IHS - Simbulo ba ng Pagano?
Bakit nanginginig sa takut si Eli Soriano na makipagtalakayan kay Fr. Darwin Gitgano?
Bakit Kailangan Ang Tunay na Iglesia at Hindi ang Huwad na Iglesiang Tatag ni Felix Manalo sa Pilipinas?
Ang PAGSULPOT ng INC™ sa Pilipinas noong 1914 ay isang "katuparan" daw ng "hula". SANG-AYON po tayo diyan. Ang pagsulpot ng huwad na iglesia (raw) ni Cristo sa Pilipinas ay katuparan ng mga hula sa Biblia.
![]() |
(Source: Britannica Encyclopedia Online) |
![]() |
(Source: Encyclopedia.com) |
![]() |
(Source: Wikipedia) |
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
![]() |
(Source: Wikipedia/BiblicalCanon) |
- How The Fifth Estate dealt with intimidation | The Investigators with Diana Swain
- Iglesia ni Cristo, itiniwalag ang ina at mga kapatid ni Eduardo Manalo
- Pamilya Manalo, may hidwaan?
- Ex-INC members alarmed over 'disappearances'
- Ex-INC minister says church still harassing him in Canada
- 2015 Iglesia ni Cristo leadership controversy
- Inside the Iglesia family
- 2 law experts decry hostility vs INC
- Ex-Iglesia ni Cristo minister files illegal detention raps vs. Sanggunian clergy
- Iglesia Ni Cristo Leaders Linked to Two More Kindnaping Cases
Pasko: Ang Pag-aalaala ng mga Kristiano sa Kapangananak ni Cristong Manunubos
Ngunit hindi nagtagal ay tahasang TINUTUTULAN at PINUPUNA nila ito sapagkat ito ay PAGDIRIWANG ng mga KATOLIKO na kanilang itinuturing na mga kaaway. Sa katunayan, mismong ang kanilang opisyal na magasing Pasugo ang nagpapatotoo kung ano nga ba ang kahulugan ng PASKO para sa mga NAGDIRIWANG nito.
“Ang diwa ng Pasko ay kapayapaan;
Nang mundong naglunoy sa lusak ng Buhay;
Mabuting balita sa kinalulugdan;
Pagsilang ni Jesus sa abang sabsaban."
Halimbawa!
- Biblia - ang salitang 'biblia'ay hindi natin nababasa sa Biblia. Ngunit dito halos humuhugot ng tagpi-tagping aral ang INC™ 1914 para makabuo ng saknong.
- Felix Y. Manalo - ang pangalan ni Ka Felix ay hinding-hindi nasusulat sa Biblia, maging ang kanyang anak na si Eraño at si Eduardo ay hindi sila nakatitik sa Biblia. Ngunit naniniwala silang si Ka Felix Manalo ay hinulaan sa Biblia sa Isaiah 46:11.
- Huling Sugo - walang mababasa sa Biblia ukol sa pagdating ng 'huling sugo'. Tanging ang pagdating ng manunubos ang hinulaan ng mga Propeta noong una ~ ang Diyos na magkakatawang-tao o Emmanuel Sumasaatin ang Diyos.
- Pagtalikod na Ganap ng Iglesia - dito nakabatay halos lahat ng aral ng INC™ 1914. ang kanilang aral na ito ay may pagkakahalintulad sa mga Mormons na itinatag ni Ginoong Joseph Smith Jr. noong 1830. Sinasabi ng mga Mormons na kinakailangang itatag muli ni Ginoong J. Smith ang iglesia ayon sa utos ng Diyos Ama matapos na ito ay tumalikod-na-ganap noong namatay ang huling apostol (110 A.D.) Kinopya ba ni G. Manalo ang kanyang aral sa mga Mormons?
- Pilipinas - at lalong walang mababasang 'Pilipinas' sa Biblia. Ngunit naniniwala ang mga kaanib ng INC™ 1914 na ang bansang Pilipinas raw ang tinutukoy na "pulu-pulong dagat" (Isaiah 24:14)
- Iglesia Ni Cristo - ang 'Iglesia Ni Cristo' (na may malaking titik na I-N-C) ayon sa official registration nito sa Pilipinas at sa buong mundo ay hindi nakatitik sa Biblia. Ang nakasulat sa Biblia ay 'mga iglesia (o iglesya) ni Cristo'at hindi 'Iglesia Ni Cristo'. Ito ay Roma 16:16 sa Tagalog Version lamang natin mababasa. Ang pinagmamalaking "iglesia ni Cristo" raw sa Mga Gawa 20:20 (Lamsa Translation lamang mababasa) ay'Iglesia ng Diyos' sa orihingal na salin at hindi 'Iglesia Ni Cristo'
Ang MUNDO ay HINDI NASASAKOP sa Iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo kundi sa Iglesiang TATAG mismo ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika (Pasugo Abril 1966, p.46). Ang mundo ay umiikot sa KATOTOHANAN at hindi sa mga BULAANG PROPETA na sumulpot lamang nitong nakaraang 105 taon.
ANO BA ANG 'PASKO' (CHRISTMAS) AYON SA KATOTOHANANG ALAM NG BUONG MUNDO?
Katulad ng pagkakaalam ng mundo sa Iglesia Ni Cristo® bilang TATAG NI FELIX MANALO, ang PASKO o Christmas ayon sa pang-unawa ng BUONG MUNDO ay IISA lamang ang pakahulugan. Mula Asia, Africa, America, Europa at maging sa mga bansang hindi-Kristiano tulad ng India, Qatar, UAE, Kuwait, Bahrain at sa Saudi Arabia, ANG PASKO ay PAGDIRIWANG ng KAPANGANAKAN ni CRISTO.
Christmas is an annual festival commemorating the birth of Jesus Christ, observed primarily on December 25 as a religious and cultural celebration among billions of people around the world.
Christmas, Christian festival celebrating the birth of Jesus.
Christmas is celebrated to remember the birth of Jesus Christ, who Christians believe is the Son of God.Ito naman ang sinasabi ng History.com
Christmas, a Christian holiday honoring the birth of Jesus...
Ayon sa CNN:
The story of Jesus Christ's birth is told in New Testament's gospel of Saint Luke and Saint Matthew.
History.com
Christians celebrate Christmas Day as the anniversary of the birth of Jesus of Nazareth, a spiritual leader whose teachings form the basis of their religion.Ito ang buod ng katotohanang mababasa natin sa lahat ng mga Encyclopedia o talasalitaan sa buong mundo ukol sa Pasko.
Ito naman ang sinasabi ng The New Webster Encyclopedia Dictionary of the English Language, ©1984
CHRISTMAS ~ /kris'mas/, n. [Christ, and mass, A.Sax. maessa, a holy day of feast.] The festival of the Christian church observed annually on the 25th day of December, in memory of the birth of Christ...Semplang na po ang mga INC™ 1914. Sila lamang kasama ang mga Protestanteng kalaban ng Iglesia Katolika ang nagsusulong na ang Pasko ay isang paganong pagdiriwang. Ibinibintang ng mga kaaway ng Iglesia na si Sol Invictus raw ang pinagdiriwang sa kapaskuhan. Kung iyan ang kanilang paniniwala ay hindi natin tututulan. Karapatan nilang paniwalaan ang gusto nila. Ngunit ang KATOTOHANAN ay mananatiling naka-SULAT sa lahat ng mga aklat-pangkasaysayan at aklat-kaalaman na ang PASKO AY ANG PAG-AALALAALA SA KAARAWAN NG MANUNUBOS NA SI CRISTO!
KAPAG WALA SA BIBLIA AY HIND NA BA TOTOO?
Mali ang pananaw ng INC™ 1914 na kung hindi nakasulat sa Biblia ay hindi na totoo... tutulungan tayo online upang patunayang maling mali ang mga bulaang propeta ng INC™ 1914.
- Bible - the Christian scriptures, consisting of the Old and New Testaments.
- Felix Y. Manalo - founder of the Iglesia Ni Cristo (INC) in the Philippines in 1914
- Iglesia Ni Cristo - a church founded by Felix Y. Manalo in 1914
- Last Messenger of God - online search shows Muhammad, the founder of Islam, and not Felix Manalo, holds this self-proclaimed title
- Total Apostasy - this doctrine is originally claimed by the member of the Mormon church for its founder Joseph Smith Jr, not the Iglesia Ni Cristo of Felix Manalo.
Kung mayroon mang mga nagsisulputang mga INC at tinatawag nila ang kanilang sarili bilang 'Iglesia Ni Cristo' sila ay hindi tunay kundi mga peke o HUWAD lamang! (Pasugo Mayo 1968, p. 7).
Bakit Kailangan Ang Tunay na Iglesia at Hindi ang Huwad na Iglesiang Tatag ni Felix Manalo sa Pilipinas?
Ang PAGSULPOT ng INC™ sa Pilipinas noong 1914 ay isang "katuparan" daw ng "hula". SANG-AYON po tayo diyan. Ang pagsulpot ng huwad na iglesia (raw) ni Cristo sa Pilipinas ay katuparan ng mga hula sa Biblia.
Ngunit may PAKUNSWELO ang ating Panginoong Hesus sa ATING mga tunay na KAANIB sa TUNAY na Iglesia! Mataimtim niyang IPINANGAKO sa ATING mga HINIRANG na SIYA (SI CRISTO) ay SUMASAATIN sa LAHAT ng ARAW HANGGANG sa WAKAS ng PANAHON! (Mateo 28:20).
![]() |
(Source: Britannica Encyclopedia Online) |
![]() |
(Source: Encyclopedia.com) |
![]() |
(Source: Wikipedia) |
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
![]() |
(Source: Wikipedia/BiblicalCanon) |
- How The Fifth Estate dealt with intimidation | The Investigators with Diana Swain
- Iglesia ni Cristo, itiniwalag ang ina at mga kapatid ni Eduardo Manalo
- Pamilya Manalo, may hidwaan?
- Ex-INC members alarmed over 'disappearances'
- Ex-INC minister says church still harassing him in Canada
- 2015 Iglesia ni Cristo leadership controversy
- Inside the Iglesia family
- 2 law experts decry hostility vs INC
- Ex-Iglesia ni Cristo minister files illegal detention raps vs. Sanggunian clergy
- Iglesia Ni Cristo Leaders Linked to Two More Kindnaping Cases
PAREHONG OPISYAL na PINAHAHAYAG ng IGLESIA KATOLIKA at ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na ang TUNAY na IGLESIANG KAY CRISTO ay ang IGLESIA KATOLIKA!
"SI CRISTO AY DIYOS" sa katawagan lamang at hindi tunay ayon sa Pasugo
[Originally posted at Iglesia ni Cristo 33 AD blog
Totoo bang si Cristo ang Nagtatag ng INC™ sa Pilipinas?
ITO ANG KATOTOHANAN!
Ang PAGKAKATATAG ng Iglesia Ni Cristo® ay NAKATALA at NAKATITIK po sa mga PAHINA ng AKLAT KASAYSAYAN saan man sa mundo tulad ng PAGKAKATITIK at PAGKAKATALA kung kailan, sino at paano BINUO ng IGLESIA KATOLIKA ang KUMPLETONG LISTAHAN ng mga AKLAT na nasa BIBLIA. noong taong 382 AD sa ROMA. At ang nagkumpleto nito ay ang IGLESIA KATOLIKA na "sa simula ay siyang Iglesia ni Cristo."(Pasugo Abril 1966, p. 46)
Hindi rin pahuhuli ang BRITANNICA ENCYCLOPEDIA tungkol sa pagkakatatag ng INC™!
Sa Pilipinas, halos LAHAT ng tao alam kung SINO ang NAGTATAG ng INC™. Sa ABS-CBN 'Fast Facts Iglesia Ni Cristo', sinasabi nito na ang Iglesia Ni Cristo® "WAS FOUNDED BY FELIX MANALO, ITS FIRST EXECUTIVE MINISTER."
TALAMAK ang KASINUNGALINGAN sa mga aral ng INC™. Kahit sa tanghaling tapat, KAYA nilang TUMINGALA sa araw na NAGSISINUNGALING nang HINDI KUMUKURAP!
![]() |
[Source: https://www.pasugo.com.ph/the-founder-of-the-iglesia-ni-cristo/] |
Isang KAHIBANGAN ang SASABIHIN nilang si CRISTO ang NAGTATAG ng Iglesia Ni Cristo® sa Pilipinas!
Isang KAMANGMANGAN ang SASABIHIN nilang ang Iglesia Ni Cristo® na SUMULPOT na parang kabute sa Pilipinas noong 1914 ay siya ring IGLESIANG TINUTUKOY sa ROMA 16:16!
Ayon sa KASAYSAYAN ang Iglesia ni Cristo ay nagsimula pa noong Unang Siglo sa panahon ng Panginoong Hesus at ng mga Apostol.
At ang Iglesia Ni Cristo® ay nagsimula noong 1914 lamang sa panahon ng pagdating mga Protestanteng misyonerong galing sa Estados Unidos. At ito ay ITINATAG ni Felix Y. Manalo ayon sa archives ng SEC na PINATUTUNAYAN ng TIMELINE OF CHRISTIANITY!
Wikipedia/Timeline of Christianity
- 1914 Iglesia ni Cristo incorporated in the Philippines by its founder Felix Y. Manalo
Kaya't kung IPAGPIPILITAN nilang ANGKININ na 'SI CRISTO ANG NAGTATAG NG INC™ sa PILIPINAS' ay isang malinaw na KASINUNGALINGAN at walang dudang PANLILINLANG ito sa mga TAO.
NILILITO nila ang kanilang mga KAANIB at NILILINLANG nila ang kanilang mga tagasubaybay kung AARIIN nila na sila ang TINUTUKOY na mga 'iglesia ni Cristo' sa Roma 16:16.
KASINUNGALINGAN!
Ang 'mga iglesia ni Cristo' na nabanggit sa Biblia (Roma 16:16) ay HINDI ang Iglesia Ni Cristo® (INC) sa Pilipinas! Ito ay ang IGLESIA KATOLIKA kung saan ang kanyang pamamahala ay NASA ROMA (VATICAN CITY)! Siguro naman malinaw sa aklat pa lamang kung KANINO pinatutungkol ni Apostol San Pablo ang kanyang sulat ~ SA MGA TAGA-ROMA (16:16) at HINDI ang mga kaanib ng INC™ ni Manalo sa PILIPINAS!
Kung sino ang DAPAT na MAGTATAG ng TUNAY na IGLESIA na PARA sa DIYOS at si CRISTO, ang PASUGO na rin ang MAGLALAHAD nito!
PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang!Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
Kaya't WALANG KARAPATAN si G. FELIX Y. MANALO, ayon na rin sa kanila, isang TAO, na MAGTATAG ng IGLESIANG PARA SA DIYOS at papangalanan niyang KAY CIRSTO kung HINDI naman si Cristo ang nagtatag nito!!
WALANG KARAPATAN si G. FELIX MANALO, isang TAO na MAGTATAG ng Iglesiang para kay Cristo sapagkat MAYROONG IGLESIANG TATAG si CRISTO NOONG UNANG SIGLO. At KUNG may mga SUSULPOT na mga "IGLESIA" rin PAGKATAPOS ng PAGKAKATATAG ng Panginoong HESUKRISTO sa KANYANG IGLESIA, ang LAHAT ng mga ito ay HUWAD!!
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
HUWAD ang INC™ sa Pilipinas sapagat ito ay KAILAN LAMANG SUMULPOT! Samantalang ang IGLESIA KATOLIKA ay ang NAG-IISANG TUNAY na IGLESIA NI CRISTO, ayon na rin sa PATOTOO ng PASUGO at ng KASAYSAYAN!
PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
PASUGO July August 1988 p. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
PASUGO March-April 1992, p. 22
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."
BBC (British Broadcasting Corporation)
"The Catholic Church is the oldest institution in the western world. It can trace its history back almost 2000 years."
Patheos
"Roman Catholicism is a worldwide religious tradition of some 1.1 billion members. It traces its history to Jesus of Nazareth, an itinerant preacher in the area around Jerusalem during the period of Roman occupation, in the early 30s of the Common Era."
Wikipedia/History of the Catholic Church
"...the history of the Catholic Church begins with Jesus Christ and his teachings (c. 4 BC – c. AD 30) and the Catholic Church is a continuation of the early Christian community established by the Disciples of Jesus."
Britannica Encyclopedia
"As a branch of Christianity, Roman Catholicism can be traced to the life and teachings of Jesus Christ in Roman-occupied Jewish Palestine about 30 CE.
TOTOO BANG NATALIKOD NA GANAP ANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO?
HINDI po totoong NATALIKOD ang UNANG IGLESIA NI CRISTO. Ang mga nagtuturong NATALIKOD ang ORIHINAL na IGLESIA NI CRISTO ay"bunga ng kawalang kabatiran nila sa mga katotohanang nakasulat sa Biblia."
Katulad ng mga MORMONS (The Church of Jesus Christ of the Latter-day Saints) na tatag ni JOSEPTH SMITH noong 1820 (Timeline of Christianity) na siyang original na NAGTURO ng "GREAT APOSTASY", ang Iglesia Ni Cristo® ni Ginoong Manalo ay halos MAGKATULAD na MAGKATULAD ang kanilang konsepto.
Ang PAGTALIKOD daw ay naganap noong namatay na ang mga alagad ni Cristo. At dahil sa NATALIKOD na nga raw ito, KINAKAILANGAN ng Diyos na MAGSUGO ng isang HULING PROPETA o HULING SUGO/ANGHEL upang ITAYONG MULI ang NATALIKOD na IGLESIA.
Kaya't noong 1820 PINANGARAL ni JOSEPH SMITH na siya raw ay ang HULING PROPETA at SUMULPOT ang MORMONISM.
Noong 1914SUMULPOT naman ang INC™. At noong 1922, saka lamang itinuro ni FELIX Y. MANALO na siya raw ang HULING SUGO o ANGHEL sa mga HULING ARAW kuno!
"In the first-century, the Church Of Christ spread and grew in membership (Acts 8:4-5; 6:7). However, it apostatized after the apostolic period as false prophets led its turning away from the true faith (Matt. 24:11, 4; Acts 20:29-30: II Tim. 4:6)." -Pasugo Online [https://www.pasugo.com.ph/the-founder-of-the-iglesia-ni-cristo/]
Sapagkat kung HINDI NATALIKOD ang Unang Iglesia, LALABAS na ang Iglesia ng Mormons at Iglesia ni Felix Y. Manalo ay mga HUWAD. Kinakailangang MATALIKOD ang una para palabasin niyang LEHITIMO ang BAGONG SULPOT na iglesia.
Ngunit sa mga SERYOSONG NAGSUSURI ng mga ARAL ni FELIX MANALO, naitanong na ba ninyo kung KAILAN, ANONG PETSA at ANONG PANAHON NATALIKOD na GANAP ang UNANG IGLESIA?
NAWALA ANG orig na IGLESIA TAONG c.100 A.D.?
Ang PAGTALIKOD raw ay NAGANAP SIMULA noong NAMATAY ang HULING APOSTOL ayon sa kanilang Pasugo Online: 'However, it apostatized after the apostolic period...'
PASUGO Mayo 1961, p.21
“Maliwanag sa pag-aaral nating ginagawa sa unahan nito na ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo ay natalikod o ganap na nawala sa ibabaw ng lupa. Inagaw nila sa pagsunod sa hulihan ni Cristo."
Sa isang paksa naman sa kanilang opisyal na magasing Pasugo, sinabi naman doon na NALIPOL NA LAHAT daw ang Unang Iglesia!
PASUGO Enero 1964, p. 2:
“Sa isang paksang mababasa sa nakaraang labas nitong Pasugo (Disyembre) ay ipinaliwanag kung saan naroon ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo as Jerusalem. Ito ay natalikod. Nalipol na lahat."
Kung ang PAGBABATAYAN natin ukol sa 'PAGTALIKOD NA GANAP' daw ng unang Iglesia ay noong HULING NABUHAY ang mga APOSTOL, LALABAS na SIMULA c. 100 AD hanggang 1914 AD nawalan ng taga sunod si Cristo?! WALANG NAILIGTAS ang Panginoong Hesus!
UTANG NA LOOB pa pala ni Cristo ay FELIX MANALO ang PAGLILIGTAS niya. Sapagkat kung WALANG FELIX MANALO noong 1914 na NAGTATAG ng INC™ WALANG SAYSAY ang PAGKAMATAY NIYA sa KRUS. At WALANG SAYSAY ang Kanyang pagiging CRISTO (MANUNUBOS)!
Kung TATANGGAPIN natin ang ARAL ng INC™, LALABAS na si CRISTO ay MANDARAYA! Isa Siyang SINUNGALING. Sapagkat NANAIG ang kapangyarihan ng HADES sa Kanyang tatag na Iglesia!
Kahindik-hindik na aral ano po!
Ang hirap isipin na yung kay CRISTO, NATALIKOD! HINDI man lang UMABOT sa CENTENNIAL.
Samantalang yung HUWAD, UMABOT pa sa CENTENNIAL noong 2014 AD at ngayon ay nasa ika-106 TAON na!?
At dahil ALAM NATIN na ang PANGINOONG HESUS ay HINDI SINUNGALING at HINDI MANDARAYA, NAKAKASIGURO tayo na yung NANGARAL ng PAGTALIKOD ang SIYANG SINUNGALING at MANDARAYA: si Ginoong FELIX Y. MANALO!
PASUGO Agosto 1971, p.22:
“Tinitindigan namin na ang Iglesiang itinatag ni Cristo ay talagang iisa lamang. Nang magkaroon ng INK sa Pilipinas ay wala na ang Iglesia ni Cristo sa Jerusalem.”
Noong SUMULPOT ang INK o INC™ sa Pilipinas, DOON LAMANG NAWALA ang Iglesiang tatag ni Cristo sa Jerusalem noong Unang Siglo!?
Isang magic na aral ng BULAANG PROPETA!
At HINDI pa NATATAPOS diyan ang KALITUHAN nila KUNG KAILAN talaga NATALIKOD ang UNANG IGLESIA.
Sapagkat sa kanila ring PASUGO, Abril 1966, p. 46, INAMIN nila roon na HINDI pa pala NATALIKOD na GANAP ang UNANG IGLESIA (o ang ORIGINAL na IGLESIA NI CRISTO) sapagkat 1966 AD ay PATULOY pa raw na NAGPAPAPASOK ng MALING ARAL si SATANAS sa IGLESIA KATOLIKA NA 'SA PASIMULA'Y SIYANG IGLESIA NI CRISTO.'
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
NATALIKOD NA GANAP ang UNANG IGLESIA
- 100 A.D. (Pasugo Online)
- 1914 A.D. (Pasugo Agosto 1971)
- 1966 A.D. (Pasugo Abril 1966)
- HINDI natalikod ang Unang Iglesiang tatag ni Cristo! (Pasugo Abril 1966)
- Ang Unang Iglesiang tatag ni Cristo ay ang Iglesia Katolika (Pasugo March-April 1992)
- Ang Iglesia Ni Cristo™ na sumulpot sa Pilipinas noong 1914 ay HUWAD! (Pasugo Mayo 1968)
- Ang Iglesia Katolika hanggang sa kasalukuyan ay siyang TUNAY at NAG-IISANG Iglesia ni Cristo! (Pasugo Abril 1966)
Deception is Not a Way of God and His Church
Bakit Iglesia De Cristo ang gamit na pangalan ng INC™ (1914) sa Madrid (España)?
[Originally posted at Iglesia ni Cristo 33 A.D. blog]
Sa buong kasaysayan ng iglesiang TATAG ni Ginoong Felix Y. Manalo sa Pilipinas noong 1914, KILALA ito sa pangalang 'IGLESIA NI CRISTO' (o Iglesia Ni Kristo).
Ang 'Iglesia Ni Cristo'ay ang OPISYAL na PANGALAN, ipinarehistro ni Ginoong Felix Y. Manalo sa gobyerno upang ang kanyang tatag na iglesia ay HINDI MAKOPYA at HINDI MAGAGAMIT ninuman.
Si opisyal na tala ng pagkakatatag ng INC™, pinatotohanan nila doon na HINDI si Cristo ang nagtatag nito kundi si Ginoong FELIX Y. MANALO ~ siya ang NAGTATAG (founder) at siya rin ang ULO (head) ng kanyang iglesia. (Pasugo May-June 1986)
Ang 'Iglesia Ni Cristo' ay isang INKORPORASYON na nakatala sa Securities and Exchange Commission. Iniingatan at pinangangalagaan ito ng gobyerno tulad ng pag-iingat at pangangalaga nito sa iba pang mga business companies na nakatala sa SEC.
Ang Iglesia Ni Cristo ay tinawag ni Ginoong Felix Manalo na "MY CHURCH" (FreePress, Feb. 11, 1950). Ayon sa Pasugo Enero 1974, p. 8, ang "MY CHURCH" daw po ay "possessive pronoun" at ito ay nangangahulugan ng "possession and ownership." Kaya't po wala tayong pagtutol na ang INC™ ay PAGMAMAY-ARI ni Ginoong Felix Y. Manalo.
Bagamat may mga ibang mga "iglesia ni Cristo" na sumulpot bago o pagkaraan ng Hulyo 27, 1914, ang mga ito ay walang ugnayan sa INC™ ni G. Manalo.
Hudyat na makakasiguro ang isang kaanib ng INC™ na ITO NGA ang iglesiang kay G. Felix Y. Manalo, ay MABABATID sa kanilang OPISYAL NA SIMBULO tulad ng LOGO ng PAGPAPAKILANLAN. Ang ibang mga 'iglesia ni Cristo' na naitatag ng tao ay may kanya-kanyang mga pagkakakilanlan tulad ng nasa post na ito.
Ang paggamit ng kanilang opisyal na mga simbulo o pagpapakilanlan (sa opisyal na bagay) ng walang kapahintulutan mula sa pamamahala ng INC™ ay ipinagbabawal ng batas tulad sa kasong 'Iglesia Ni Cristo vs Cayabyab' na layong mapapanagot ang mga dating kaaanib sa INC™ na patuloy na gumagamit ng kanilang mga opisyal at rehistradong mga copyrights at trademarks. (Iglesia Ni Cristo v. Cayabyab Case No. 18-cv-00561-BLF 08-23-2019 IGLESIA NI CRISTO, Plaintiff, v. LUISITO E. CAYABYAB, et al., Defendants.)
“INC indicated that it had intended to sue only for unprotected activity, specifically Defendants'unlawful use of its trademarks and copyrights materials including INC's Seal, Executive Seal, Flag, and hymns, in worship services.”
TATAG sa Pilipinas, tumawid ito sa Estados Unidos sa pamamagitan ng mga Filipino Immigrants (o mga Overseas Filipino Workers) na kaanib nito ~ opisyal na rehistrado sa Hawaii noong Hulyo 27, 1968; Sa San Francisco noong Agosto 1968; sa UK noong 1971 at Canada noong 1973.
Sa South Africa noong 1978; Roma (Italia) noong Hulyo 27, 1997; Jerusalem (Israel) noong Marso 31, 1996; Athens (Greece) noong Mayo 10, 1997.
KILALA ang IGLESIA NI CRISTO® bilang 'THE FILIPINO CHURCH'('Filipino Church Gains Foothold in Valley, Spars With Archdiocese : Religion: Authoritarian Iglesia ni Cristo, which disputes Catholic beliefs, relocates to Panorama City.' Los Angeles Times, May 31, 1992) dahil nga sa ito ay pinamamahalaan at tinatangkilik at halos 99% ng mga kaanib nito ay mga Pilipino.
'IGLESIA NI CRISTO (CHURCH OF CHRIST)'
![]() |
Iglesia Ni Cristo Burnside NZ |
Sa mga English-speaking countries, MAGKARUGTONG ang FILIPINO at ENGLISH na IGLESIA NI CRISTO (CHURCH OF CHRIST) ~ upang mas madaling unawain ng mga banyagang HINDI nakakaunawa ng Filipino o Tagalo na "Iglesia Ni Cristo" ~ "Church Of Christ" ~ ngunit HINDI ITO KAY CRISTO!
At kahit nasa ibang bansa ito, HINDING-HINDI sila nagpapakilalang 'CHURCH OF CHRIST' (Iglesia Ni Cristo) kundi 'IGLESIA NI CRISTO (Church of Christ)! Sapagkat ang 'Iglesia Ni Cristo' ang KANILANG REGISTERED TRADEMARK!
Bakit 'Iglesia De Cristo'ang pagpapakilala nila sa Madrid, España?
![]() |
Ang bahay-sambahan ng INC™ sa Madrid, España |
Totoong may kahulugan at may pinagmulan ang bawat salita. Ang isang salitang mayroong UNIVERSAL MEANING ay HINDI NAGBABAGO ang kahulugan nito saan man gamitin at anong wika man ito isalin.
Katulad ng salitang IGLESIA KATOLIKA, IISANG KAHULUGAN kahit anong lengguwahe o wika ito isalin. At ITO ay TUMUTUKOY sa NAG-IISANG SIMBAHANG KATOLIKA o CATHOLIC CHURCH na SIYANG TUNAY na IGLESIANG TATAG ni CRISTO (Pasugo│Abril 1966, p. 46) ~ at ang pinagmulan nito ay sa salitang Griego καθολικός (katholikos), na ibig sabihin ay "universal" o pangkalahatan saan mang dako ng mundo).
Pagdating sa 'Iglesia Ni Cristo', ang opisyal na pangalan ng iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo. NAIIBA ang KAHULUGAN kapag ISALIN ito sa ibang wika o lengguwahe.
Ang salitang 'Iglesia' ay pinamanang salita sa atin ng mga Español na ibig sabihin ay "Simbahan" o "Church"orihinal mula sa Griego Ekklesia
Ang salitang 'Cristo' naman ay mula sa Español ng 'Kristo' o 'Christ', orihinal mula sa wikang Griego'Khristos'.
At kapag unawain ng isang Kastila ang pang-ukol na 'Ni'na umuugnay sa panggalang 'Cristo', NAIIBA ang KAHULUGAN nito ngunit NAGPAPAHAYAG ito ng KATOTOHANAN!
'HINDI Iglesia o HINDI kay Cristo'! Ganyan ang ibig sabihin ng 'Iglesia Ni Cristo' sa wikang Kastila. Pilit mang ikinukubli ngunit lalong tumitibay ang katotohanang HINDI IGLESIA at HINDI KAY CRISTO ang INC™.
"Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." -PASUGO│Mayo 1968, p. 7
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem." -PASUGO│Mayo 1954, p. 9
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK." -PASUGO│Agosto-Setyembre 1964, p. 5
Si Felix Y. Manalo ba ay Sugo Ayon sa Isaias 46:11 at Juan 10:16?
[Originally posted at Iglesia ni Cristo blog]
Nakabatay ang aral ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni G. Felix Y. Manalo sa Sitio, Punta Sta. Ana, Maynila noong 1914 sa isang KASINUNGALINGAN laban sa tunay na KALIKASAN at KALAGAYAN ng ating Panginoong Hesus.
Para kay Ginoong Felix Y Manalo, HINDI DIYOS si CRISTO (https://www.pasugo.com.ph/is-christ-god-part-2/), patunay na hindi sya Diyos sapagkat siya'y nasumpungan sa anyong tao!
![]() |
https://www.pasugo.com.ph/is-christ-god-part-2/ |
Hindi matanggap ni G. Felix Manalo na ang isang Diyos ay makakaranas ng mga bagay na PANG-TAO lamang tulad ng pagkagutom, pagkauhaw, sakit at kamatayan.
Hindi maunawaan ni G. Felix Y. Manalo na ang Diyos ay MAKAPANGYARIHAN at KAYA niyang gawin ang Kanyang naiisin; maging ang PAGIGING TAO!Sa kabila ng pagkakatawang-TAO ng Panginoong Hesus ay may mga KATANGIAN ang Panginoong Hesus na HINDI lang siya basta TAO kundi DIYOS.
Patunay raw na HINDI DIYOS si Cristo sapagkat SIYA at NASA ANYONG TAO.
Hindi ba't malinaw na sinasabi ng Biblia na si CRISTO ay NAGKATAWANG-TAO? DIYOS sa KALIKASAN ngunit TAO sa KALAGAYAN?!
"Sa pasimula ay Salita, at ang Salita ay nasa Diyos at ang SALITA AY DIYOS... at NAGKATAWANG-TAO ang SALITA at nakipamuhay sa atin."(Juan 1:1,14)
Ang sabi nga ni Apostol San Pablo sa kanyang Sulat sa mga Taga-Filipos (2:2-8) ay ganito:
"Bagama't Siya [si Cristo] ay Diyos, hindi niya inaring kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang pagka-Diyos at NAGING TAO..."
At sa pangalawang sulat ni Apostol San Juan, (2 Juan 1:7) ganito ang kanyang sinabi:
"Sapagka't maraming MANDARAYA na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG na si JESUCRISTO ay napariritong NASA LAMAN. Ito ang magdaraya at ang anticristo."
Malinaw ang KAISAHAN ng Biblia tungkol sa KALIKASAN at KALAGAYAN ni Cristo. Na SIYA ay DIYOS sa KALIKASAN at TAO sa KALAGAYAN!
At ang pinakamalaking balakid kay G. Manalo upang HINDI MAUNAWAANG si Cristo ay Diyos ay sapagkat hindi niya maunawaan ang doktrinang may IISANG DIYOS sa TATLONG PERSONA o Banal na Trinidad (Basahin ang opisyal na Katekismo ng Iglesia Katolika ukol sa TRINIDAD) Pinamimilit nilang ang aral daw ng mga Katoliko ay tatlo ang Diyos! Hindi lang sila manlilinlang kundi sila'y nagpapalinlang at naniniwala sa panlilinlang ng mga bayarang ministro!
FELIX MANALO: HULING SUGO?
Isaias 46:11
Una, WALANG MALINAW at LITERAL na BINABANGGIT ang BIBLIA tungkol kay G. FELIX Y. MANALO, lalo na ang kanyang pag-aangkin bilang 'HULING SUGO' raw ng Diyos. Hindi siya nabanggit at lalong hindi naitala ang kanyang tungkuling bilang sugo sa mga huling araw.
Ngunit pinamimilit nilang si G. Felix Y. Manalo raw ay ang KATUPARAN sa HULA sa Biblia.
Sinong HUMULA? Si Propeta Isaias daw [46:11]
'Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.'
Itong 'Ibong Mandaragit' daw ay walang iba kundi si G. Felix Y. Manalo! Ang labo.
At dahil WALANG LINAW na literal na si Felix Manalao nga ang tinubumbok at tinutukoy ni Propeta Isaias sa nabanggit na talata, wala silang ibang magawa kundi PAGTAGPI-TAGPIIN ang kanilang aral mula sa mga OUT OF CONTEXT na SIPI mula sa IBA'T IBANG TALATA ng Biblia upang MAKABUO ng SAKNONG at PANGUNGUSAP at nang MABUO ang aral na si G. FELIX MANALO nga ay ang siyang HULING SUGO ng Diyos.
![]() |
Simpleng paliwanag ukol sa doktrina ng 'Santatlo' |
Sino ba si Propeta ISAIAS? Siya ba ay tinawag ng Diyos bilang propeta upang PAG-UKULAN ng ORAS si G. Felix Y. Manalo? Malabo!
Upang maunawaan kung sino ang tinutukoy na 'ibong mandaragit', ang tamang konteksto ay mababasa sa unahan ng Isaias 46:11.
Isaias 41:2 ~ malinaw na tinutukoy si Cyrus mula sa silangan bilang 'nasa katuwiran'; pinagpuno siya sa mga hari.
Sa Isaias 45:1 ~ si haring Cyrus ang pinahiran ng Diyos
Isaias 45:13 ~ si haring Cyrus ang muling magtatayo ng bayan ng Diyos, siya ang kakalag sa mga napiit
At pagdating sa Isaias 46:11, biglang si FELIX MANALO ang aako ng inatas ng Diyos kay haring Cyrus? Imposible!
Juan 10:16
"At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor."
Si G. FELIX Y. MANALO raw ang tinutukoy na 'PASTOR' sa talata sa itaas (PASUGO Mayo 1961, p. 22)
"Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5).""Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."
Hindi ba't ang TINUTUKOY na IISANG PASTOR ng KAWAN (Iglesia) ay walang iba kundi ang ATING PANGINOONG HESUKRISTO (Juan 10:11)? At magkakaroon lamang ng IISANG PASTOR na gagabay sa kawan (Ezekiel 34:23).
AYON KAY G. FELIX MANALO, SI CRISTO ANG TINUTUKOY SA JUAN 10:16 AT HINDI SIYA!
Sa isang aklat ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pinamagatang SULO, 1947 p.58, na AKDA ni G. FELIX Y. MANALO, INAAMIN at PINATUTUNAYAN niyang ang ating Panginoong Hesus ang tinutukoy sa Juan 10:16 SALUNGAT sa katuruan ng INC™ ngayon na si Felix Y. Manalo raw ang tinutukoy na 'pastor' sa Juan 10:16!
"Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16)"
O di ba, isang ARAL na SALU-SALUNGATAN ang kanilang KATITISURAN?!
Hula ng Biblia na Akmang-akma kay G. Felix Y. Manalo at Sila'y TATALIKOD sa tunay na Iglesia ni Cristo!
Maraming hula ang nagkatotoo at NATUPAD kay G. Felix Manalo. At ito ay ang kanyang pagiging 'sugo'. Iyon lamang hindi siya sugo ng katotohanan kundi siya ay sugo ng panlilinlang at kasinungalingan laban sa ating Panginoong Hesus.
"Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo."-Mateo 24:24
"Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha."-2 Timoteo 4:3-4
"Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kaniyang sariling dugo. Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan."-Mga Gawa 20:28-30
"Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak. At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan. At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling." -2 Pedro 2:1-3
ANG ANTI-KRISTO!
Pangalawa, sinasabi ni Apostol San Juan (2 Juan 1:7) na ang mga MANGANGARAL na HINDI TINATANGGAP si HESUS [DIYOS] na naparito sa LAMAN, ay mga MANDARAYA ~ mga ANTI-KRISTO!
"Sapagka't maraming MANDARAYA na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG na si JESUCRISTO ay napariritong NASA LAMAN. Ito ang magdaraya at ang ANTICRISTO."-2 Juan 1:7
"Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa't espiritung HINDI IPINAHAHAYAG SI JESUS, AY HINDI SA DIYOS: at ITO ANG SA ANTICRISTO, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na."-1 Juan 4:2-3
Kahindik-hindik ang mga aral ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pilit IBINABABA ang Panginong Hesus bilang 'tao lamang' sa kabila ng MALINAW na PAHAYAG sa Biblia na Siya nga ay DIYOS na nagkatawang-tao. Samantalang pilit na ITINATAAS naman si G. Felix Y. Manalo na TAO, bilang 'anghel o huling sugo' na MALABONG NABABANGGIT at MALAYONG TINUTUKOY sa Biblia kahit kailan!
At kahit kailan, HINDI MANANAIG ang mga aral na MAPANLINLANG! Iwaksi ang mga mapanlinlang na doktrina. Talikdan ang mga huwad na sugo at lisanin ang nagpapanggap na kay Cristo!
PANLILINLANG ang mga ARAL na NABUO mula sa TAGPI-TAGPING Talata ng Biblia
Mali at Isang Kasinungalingan ang Ibintang sa Santo Papa sa Roma ang 666: Bro. Eliseo Soriano
Seoul Archdiocese: Cardinal Andrea Soo-jung Ordains 20 Men to the Priesthood
Hindi Bayan ang INC™ 1914 at Hindi Sugo si Ginoong Felix Y. Manalo
- Walang malinaw na titik at talata sa Biblia na tumutukoy kay Felix Y. Manalo.
- Walang binanggit ang Biblia na magsusugo pa ng isang Felix Y. Manalo.
- Walang masusumpungang patunay mula sa Biblia na si Felix Manalo ay isinugo ng Diyos.
- Siya (Felix Y. Manalo) ang nagsabing siya ay sugo.
- Siya ang nagsabing hinulaan siya sa Biblia.
- Siya ang nagsabing siya ang tinutukoy sa Isaias na "ibong mandaragit".
- Siya ang nagsabing si Cristo ang tinutukoy na PASTOR sa Juan 20:28 at hindi siya.
- Siya ang gumagawa ng mga leksyion at propaganda na itinuturo ng mga ministro ng INC™.
- Siya ang nagtatag at nagrehistro sa Iglesia Ni Cristo bilang Corporation Sole.
- Siya ang ulo at tagapagtatag ng Iglesia Ni Cristo na sumulpot sa Pilipinas noong 1914.
- Siya ang tumalikod at tumiwalag sa tunay na Iglesia at hindi ang Iglesia ang tumalikod.
- Siya ang naligaw at hindi ang mga alagad ng mga apostol.
- Siya ang nagtakwil kay Cristo bilang Diyos at siya ang nagtaas sa sarili bilang anghel.
- Siya ang katuparan ng mga hulang darating ang mga bulaang propeta.
- Hindi maituturing na 'bayan' ang INC™ sapagkat hindi naman sila hiwalay sa bayang Pilipinas
- Sekta ang tawag sa INC™, katulad ng iba pang mga sektang Protestanteng sumulpot.
- Ang tunay na bayan ng Diyos ay ang Iglesia Katolika na may sariling batas, may sariling bansa, may sariling kasarinlan, may sariling alituntunin at ang kanyang mga paniniwala, tradisyon at kultura ay siyang humubog sa kultura at tradisyon ng buong mundo tulad ng Pasko, Valentines, mga Piesta at iba pang mga larangan sa Siyensia o Agham, Astronomia, at Karapatang-Pantao! Tanging ang Iglesia Katolika lamang ang nag-iisang institusyon sa buong mundo na may boses sa larangan ng Human Rights, Morals at Pro-Life issues. Ang INC™ wala!
Si Kupido nga ba ang Dahilan ng Valentine's Day Ayon sa Bintang ng mga kaanib sa Iglesia ni Manalo 1914?

HAPPY VALENTINE'S DAY po sa lahat ng mga kaanib sa tunay na Iglesia ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika!
Maasim na naman ang mga mukha ng mga kaanib sa Iglesia ni Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ~ paano ba naman, SUMASAPIT ang ARAW ni SAN VALENTINE sa tuwing Pebrero 14 na mas kilala sa Pilipinas bilang ARAW NG MGA PUSO.
Ang NAKAKALUNOS sa mga kaanib sa IGLESIA NI MANALO ~ ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ~ GALIT sila sa PAGDIRIWANG sa MALING UNAWA tungkol rito.
Ang AKALA nila eh si KUPIDO raw ang dahilan ng Valentine's Day eh ang LINAW naman ang PAGKASABI kung ANO ang IPINAGDIRIWANG ~ SAINT VALENTINE'S DAY.
Narito ang sinasabi ng BRITANNIA ENCYCLOPEDIA:
Valentine’s Day, also called St. Valentine’s Day, holiday (February 14) when lovers express their affection with greetings and gifts. Given their similarities, it has been suggested that the holiday has origins in the Roman festival of Lupercalia, held in mid-February. The festival, which celebrated the coming of spring, included fertility rites and the pairing off of women with men by lottery. At the end of the 5th century, Pope Gelasius I forbid the celebration of Lupercalia and is sometimes attributed with replacing it with St. Valentine’s Day, but the true origin of the holiday is vague at best.
Walang banggit si kupido sa araw ni SAINT VALENTINE kundi SIYA ang dinadakila rito.
Sino si ST. VALENTINE?
Ayon sa OPISYAL na TALAMBUHAY niya sa DIOCESE ng TERNI (ITALYA), si San Balentin po ay isang OBISPO, isinilang sa Interamna at siya ay PINAKULONG, PINAHIRAPAN at PINATAY, panahon ni Emperor Claudius Gothicus noong PEBRERO 14, 269.
Dahil sa PAGSUWAY ni San Balentin sa kautusan ng emperor na HUWAG MAGKASAL lalo na sa mga KRISTIANO. Noong panahon, ISANG KRIMEN ang TUMULONG sa mga KRISTIANO at dahil si San Balentino ay NAHULING nagkakasal at tumutulong sa mga Kristiano kaya's siya ay pinarusahan at pinatay sa araw na PEBRERO 14, 269!
Bakit Naging Araw ng mga Puso ang Araw ng Kamatayan ni San Balentin (Pebrero 14)?
For obvious reasons, si San Balentin ay naging instrumento ng PAGPAPATIBAY ng PAGMAMAHALAN ng mga Kristiano noong panahong SILA ay INUUSIG. Sa kabila ng pagbabawal ng emperor ng Roma, hindi inalintana ng butihing santo ang banta sa kanyang buhay hanggang siya nga ay pinapatay noong Pebrero 14.
Emperor Claudius II had banned marriage because he thought married men were bad soldiers. Valentine felt this was unfair, so he broke the rules and arranged marriages in secret. When Claudius found out, Valentine was thrown in jail and sentenced to death. -BBC
Galit sa Maling Unawa ang Iglesia ni Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® 1914
![]() |
Source: https://iglesianicristoibongmandirigma.wordpress.com/2019/01/24/valentines-day-another-pagan-catholic-feast/ |
At ang GINAMIT na SOURCE ay Wikipedia (Tagalog) upang hanapin ang tungkol sa Valentine's Day.
Ayon sa nasaliksik niya mula sa Wikipedia, ang Valentine's Day daw ay:
- Ipinasya lamang (na ipagdiwang) noong 496
- Iniutos daw na ipagdiwang ni Papa Gelasius I mula sa pagdiriwang ng "Lupercalia"
- Si kupido raw ang dahilan ng araw na ito
- Wala raw nabanggit sa Biblia tungkol sa 'Valentine's Day'
Nakapagtataka kung bakit kaya HINDI HINANAP si FELIX MANALO sa parehong Wikipedia at nang PATAS ang kanyang KAALAMAN.
Ayon din sa Wikipedia, si Ginoong FELIX Y. MANALO ay ang TAGAPAGTATAG ng Iglesia Ni Cristo®.
Si Felix Y. Manalo ang NAGREHISTRO nito sa pamahalaan noong Hulyo 27, 1914 bilang isang KORPORASYON!
Si G. Felix Y. Manalo ay BINYAGANG KATOLIKO, BINIGYAN ng PANGALAN sa IGLESIA KATOLIKA bilang FELIX MANALO YSAGUN ngunit mas pinili niya ang apelyido ng kanyang ina na NAMATAY na HINDI UMANIB sa iglesiang kanyang tatag!
INAKUSAHAN at NILITIS si G. Felix Y. Manalo dahil sa kasong PANGGAGAHASANG isinampa ng TINIWALAG niyang si ROSITA TRILLANES.
NAPATUNAYAN ng korte ang dinulog na sumbong ni Trillanes at NAHATULANG MAYSALA si G. Felix Y. Manalo sa nasabing kaso!
Iyan po ang sabi sa Wikipedia na siyang GINAMIT nitong kaanib ng INC™ upang patunayan na ang Valentine's Day ay sa pagano at hindi sa Kristianismo.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
May batayan ba ang mga Bintang ng mga kaanib sa Iglesia ni Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo®?
Wala pong basyahan ang mga bintang ng mga kaanib sa iglesiang tatag ni G. Felix Y. Manalo. At halatang HINDI naman po properly quoted ang kanilang mga sources.
- Ang araw ni Lupercalia ay para sa mga pagano. Wala pa si St. Valentine noon.
- Ipinagdiriwang si Lupercalia sa loob ng tatlong araw 13-15 Pebrero, ang Valentine's Pebrero 14 lamang.
- Madugo ang pagdiriwang ng Lupercalia, nagkakatay sila ng tupa at aso, pinapahid ng mga hubo't hubad na batang lalaki sa kanilang katawan ang dugo at ginagamit ang parte ng hayop bilang latigo sa mga batang babae upang itaguyod ang pagyayabong o fertility.
- Pagano pa ang Roma noong ipinagdiriwang ang Lupercalia
- Pinapatay ni Emperor Claudius Gothicus (214 - 270 A.D.) si San Balentin noong Pebrero 14, 269 A.D.
- Naging Kristiano lamang ang Roma noong 313 A.D. panahon ni Emperor Constantine
- Ang kapiestahan ng ST. VALENTINE'S DAY ay ipinagdiriwang lamang noong PEBRERO 14, 496 noong KRISTIANO na ang ROMA sa panahon ni PAPA GELASIUS I.
- IPINAG-UTOS ni Papa Gelasius noong ikalimang siglo ang PAGBABAWAL sa pagdiriwang ng Lupercalia, kundi ang kapistahan sa ARAW MISMO ng KAMATAYAN ni SAN BALENTIN
O kita niyo na kung paano MAGSINUNGLING ang mga kaanib ng INC™ para MANLINLANG! Di bale kung di kayo naniniwala kay San Balentino dahil HINDI rin kami NANINIWALA kay Felix Manalo at sa mga katuruan ng INC sa sumusunod na kadahilanan.
- Ipinasya lamang ni G. Felix Y. Manalo na siya ay sugo raw ng Diyos na hindi naman binanggit sa Biblia.
- Ipinasya lamang ng pamamahala ng INC™ na ipagdiwang ang Hulyo 27 taon taon na wala naman sa Biblia
- Hindi tatalikod ang ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo. Ang tumalikod ay tao, tulad ni Felix Manalo, tinalikdan niya ang tunay na Iglesia at nagtatag ng kanyang iglesia at pinangaral na ito ay kay Cristo.
- Si G. Felix Manalo ang may-ari, siya ang ulo, at siya ang nagtatag ng INC™ 1914
- Ang Iglesia Ni Cristo® ay isang korporasyong pagmamay-ari ni Manalo
- Walang binabanggit sa Biblia na kailangang may isang Felix Manalo upang maging ganap ang pagliligtas ng Panginoong Hesus! Hindi na kailangan si Felix sapagkat ang pagliligtas ni Cristo ay SAPAT at GANAP na!
CNA: Catholic missionary priest nominated for Nobel Peace Prize
![]() |
Fr. Pedro Opeka. Credit: Anne Aubert/Amici di Padre Pedro via Wikimedia (CC BY-SA 3.0) |
(CNA).- A Catholic missionary priest in Madagascar known for serving the poor living on a landfill has been nominated for this year’s Nobel Peace Prize.