Quantcast
Channel: In Defense of the Church
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1135

Maingat na maingat na pananalita ni ReadMeIglesiaNiCristo sa kanyang blog patungkol di umano'y mga Katiwalian sa loob ng Iglesia Ni Cristo® na isiniwalat ni G. Antonio Ebangelista!

$
0
0

(Saan nga ba masusumpunga sa Biblia ang ganitong structure ng loob ng isang sambahan? Choir sa pinakataas sa harap, na kasama ang mga Ministro na kaharap ang mga tao? Saan ba sila nakakuha ng source ng model na ang LAGAKAN ng SALAPI ay nasa pagitan ng Ministro at ng mga tao? Very unbiblical ang mga sahay sambahan ng mga INC™. Source: http://iglesianicristoreadme.blogspot.com/2015/05/bibliya-magpakatatag-kayo-sa-inyong.html
Maingat na maingat sa kanyang pananalita itong nagtatagong Ministro ng Iglesia Ni Cristo® na nagpapakilalang si ReadMeINC sa kanyang pinakahuling post sa kanyang blog na iglesianicristoreadme.blogspot.com.  

Dati rati, lahat ng mga ibinabatong kritisismo sa INC™ eh sinasagot niya punto en punto parang si Antony Ka Tonying Taberna ng ABS-CBN sa kanyang dos por dos. Pero malamang baka pinaghihinalaan din sya ng Sanggunian o kaya'y accomplice siya sa di umano'y MALALIM na KATIWALIAN sa kanilan departamiento.

Habang hayag na hayag na sa Internet ang mga akusasyon ni G. Antonio Ebangelista sa Sanggunian ng Iglesia ni Cristo® sa Central ng di umano'y matagal nang UMIIRAL na KATIWALIAN eh, halata namang si ReadMeINC iwas pusoy. 

Bungad pa niya sa kanyang Opening Statement eh hango sa Biblia (I Pedro 5:8-10).  Magpakatatag daw sila sa kanilang pananampalataya sa "Diyos" sapagkat sa "Diyos" daw po sila nananampalataya at hindi kung sino lamang.

Kanino ba dapat sumampalataya ang mga Kristiano, sa Diyos Ama lamang ba? O Maging sa Panginoong Jesu-Cristo rin?

Ayon sa Juan 12:36"Sumampalataya kayo sa ilaw habang kasama pa ninyo ang ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng liwanag."

Sino ang ILAW na tinutukoy ni Jesus?  

Ayon sa Juan 8:12"Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman."

Eh DAPAT palang SAMPALATAYANAN ang Panginoong Jesu-Cristo at hindi lamang ang Diyos Ama?

Eh di LUMABAG na naman ang mga kaanib ng INC™ sa sinasaad ng Biblia sapagkat sa DIYOS AMA LAMANG daw sila dapat sumampalataya at hindi kung sino!

Pero para sa mga TUNAY na SUMASAMPALATAYA sa NAG-IISANG DIYOS, hindi lang ang Ama ang dapat sambahin kundi ang Anak at ang Espiritu Santo rin.  Ang PAGSAMBA at pagkakaroon ng SAMPALATAYA sa DIYOS ay TUMUTUKOY na ito sa IISANG DIYOS sa TATLONG PERSONA.

Ang mahirap lang talaga sa mga kaanib ng INC™ ni Manalo ay sumasamba daw sila sa IISANG DIYOS pero sumasamba rin sila kay JESUS na TAO LAMANG!

Saan nga ba IPINAG-UUTOS ng BIBLIA na dapat SUMAMBA SA TAO LAMANG?!

Ang PAG-UUTOS na SAMBAHIN sa JESUS (Filipos 2:9-12) ay sapagkat SIYA AY DIYOS din!

At ang pagka-DIYOS din ni Jesus ay hindi kathang isip lamang tulad ng sinasabi ng mga bayarang Ministro kundi ito'y NASUSULAT sa BANAL NA KASULATAN.

  • Juan 1:1"... at ang Salita ay Diyos..." (ang Salita ay hindi po panukala. May panukala bang naglalalang?)
  • Filipos 2:2-12"Kahit na siya (si Jesus) ay likas at tunay na Diyos..." (Biblia na ang nagsasabing siya ay Diyos)
  • Juan 20:28"Panginoon ko at Diyos ko!" (hindi po yan exclamation out of fear or surprise tulad ng pambabaluktot ng mga bayarang Ministro kundi ito ay profession of faith!)

Hirit pa nitong tagong Ministro na halatang kapanalig ni G. Glicerio aka Jun Santos (Jr) na inaakusahan ni G. Antonio Ebangelista ng KATIWALIAN eh "DIABLO" raw po ang kanilang kaaway.  At KINAKASANGKAPAN raw ng Diablo ang mga NAGBUBUNYAG ng di-umano'y KATIWALIAN sa loob ng IGLESIA NI CRISTO® at "NANDITO NA SILA SA INTERNET" at dumarami pa raw sila.

Si G. Antonio Ebangelista kaya ang pinapatungkulan nitong tagong Ministro?

Ang pagkasabi naman po kasi ni G. Ebangelista eh "ako po ay nag-iisa lamang sa pagpapahayag na ito"kaya't paano naman sila dumadami kung mismong si G. Ebangelista na ang nagsasabing lone ranger siya.

Maliban na kung talagang maraming NAGBIBIGAY ng MAHAHALAGANG IMPORMASYON galing mismo sa hanay ng mga Ministro na nakikita ang katiwalian sa pamamahala at pananalapi.

Of course naman, di mo makikita ang di umano'y KATIWALIAN ng mga Ministro sapagkat KASABWAT ka na nila marahil. 

At ang pagkasabi pa ni ReadMeINC eh "HUWAG TAYONG PUMAYAG NA TAYOY MATANGAY NG DIYABLO!"

Hindi kaya SIYA ANG NATANGAY na ng DIABLO at di na nya nakikita ang KATIWALIAN sa KATOTOHANAN?

"Ang ating dapat na gawin ayon sa talata sa itaas ay LABANAN SIYA at MAGPAKATATAG SA ATING PANANAMPALATAYA!"

Lito pa nga ang mga kaanib niyo sa kung KANINO sila SUMAMPALATAYA: Sa DIYOS (Ama) o kay JESUS (na tao)?

Ang sabi mo kasi eh sa Diyos (Ama) lamang daw po sila sumampalataya at "hindi kung sino lamang". Samantalang ang sabi ng Biblia eh SUMAMPALATAYA raw tayo sa PANGINOONG JESU-CRISTO!

Ang labo nga naman talaga!

Sabi pa ni ReadMeINC eh, pagkatapos daw ng kanilang pakikilaban sa "Diablo" na nasa "Internet" na at dumarami pa eh "Diyos"daw ang nagbibigay sa kanila ng kagalingan at katatagan at "PUNDASYONG DI MATITINAG"!

Ibig ba niyang sabihin eh 'YUNG TATAG NA IGLESIA ng PANGINOONG JESUS eh NATINAG, NABUWAG, GUMUHO, TUMALIKOD at NAWALANG-GANAP?

Samantalang ang INC™ na TATAG ni FELIX MANALO noong 1914 ay MAS MATIBAY PA sa IGLESIANG si CRISTO MISMO ang NAGTATAG noong UNANG SIGLO?

Konting SENTIDO KUMON naman mga kababayan!

Paano namang katangap-tanggap ang mga pangungusap na 'yan na palalabasing MAS MATATAG pa ang itinatag ng tao kaysa sa ITINATAG NI CRISTO at ng DIYOS?

Parang MAS naging INUTIL pa ang WALANG SILBI ang ITINATAG ni CRISTO kaysa sa ITINATAG ni FELIX MANALO?

Eh di WOW!

At hallucination pa nitong lunatic eh "MAKABAHAGI TAYO SA WALANG HANGGANG KALUWALHATIAN SA LANGIT, KASAMA SI KRISTO."

Paano naman sila NAKAKASIGURO na SILA'Y MAKIKIBAHAGI sa WALANG HANGGANG KALUWALHATIAN sa LANGIT eh kay sa turo pa lang eh ITSA-PWERA na si Cristo?!

Tapos bonus pang MAKAKASAMA nila si "KRISTO"?

Teka nga, BAKIT NAGING "K" ang Kristo at hindi "C"?  Hindi ba't ang pangalan niyo ay "Iglesia ni CRISTO (letter "C" at hindi "K"?

Ang gulo-gulo nga naman ng mga inaralan ng PEKENG SUGO. Palibhasa PURO SAHOD lamang ang inaatupag! Bayad na bayad na Ministro!

At bilang panghuli, bilang KABUUAN ng kanyang mensahe LABAN sa mga EXPOSITION ni G. ANTONIO EBANGELISTA eh, sabi niya:

"Huwag po tayo paapekto sa kung ano mang nababasa natin ngayon tungkol sa pamamahala, alisin ang PAGDUDUDA, PAG AALINLANGAN at PANLALAMIG dahil hindi po natin ito ikakaligtas. Hayaan natin ang Diyos ang gumawa ng paraan upang maisaayos ang pagsubok na ito. At ang dapat na ipamayani ay ang PANANAMPALATAYA, PAG ASA AT PAG IBIG."


WALA pong KALIGTASAN sa Iglesia Ni Cristo®!


Bakit kaniyo?

Sapagkat sa Iglesia Ni  Cristo®, para sa kanila ay TAO LAMANG si JESUS, noon, ngayon at sa kanyang pagbabalik.

“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa arw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.” -PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin) 
Taliwas sa sabi ng Biblia:

"Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas." -Heb. 13:8
Kung si Cristo ay DIYOS noon, DIYOS pa rin siya NGAYON at DIYOS siya MAGPASAWALANG-HANGGAN!

At anong KATAWAGAN sa mga TAONG NANGANGARAL na SI JESUS ay HINDING-HINDI NAGING DIYOS?

"Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran, sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala." -2 Juan 1:7
Mga MANDARAYA at mga KAAWAY NI CRISTO raw ang TAGAPAG-TATAG at mga MINISTRO ng Iglesia Ni Cristo® sa PAGTATATWA sa PAGKA-DIYOS ni CRISTO (Diyos na naging TAO)!

At ang BABALA sa atin LIBONG TAON nang nakararaan eh MAG-INGAT daw tayo upang HUWAG MAWALANG SAYSAY ang mga katuruan ng mga Apostol.

Kaya't tukoy na tukoy po natin kung SINO ANG MGA DI NAG-INGAT at NAGPADALA sa mga MANGANGARAL na mga KAAWAY NI CRISTO at mga MANDARAYA.

Kaya't HINDI KATAKA-TAKA na TALAMAK ang DAYAAN at KATIWALIAN ngayon sa IGLESIA NI MANALO o mas kilala sa pangalang Iglesia Ni Cristo®! 

Pagmamakaawa pa nitong tagong Miinistro eh "Kapatid, huwag kang bibitiw ha?"

Takot na takot silang mawalan ng tao ang kanilang man-made na Iglesia. Natural, kapag kokonti ang kaanib, konti ang abuluyan at konti ang lagak.

Pero taliwas sa TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO!

HINDI PO TAYO NATATAKOT kahit na umabot pa tayo ng SAMPUNG KAANIB! 

Bakit kaniyo? 

Sapagkat SI CRISTO ang NAGTATAG ng IGLESIA KATOLIKA. At kung SIYA ang NAGTATAG eh DAPAT LAMANG na SIYA RIN ang MAG-IINGAT NITO at MAGPAPATAKBO nito!

Kung MATALIKOD, MAWALA, o MAGAPI MAN ITO, kapabayaan ni Cristo! At yan ang katuruan ng mga bayarang Ministro!  NAGPABAYA si Jesus kaya NATALIKOD na GANAP ang kanyang orihinal na tatag na Iglesia at kinakailangan pa niya ng isang FELIX MANALO para maitayo ito hehehe.

Salamangkero ng Biblia nga naman!

Pero SIGURADO po tayo na hinding hindi po MANANAIG ang KADILIMAN sa KANYANG IGLESIA, NOON, NGAYON at KAILANMAN! Pangako po yan ng NAGTATAG-- ang ating PANGINOONG JESU-CRISTO!

Sabi ni nga ni SAN ATHANASIUS noong ika-4 na siglo eh "Even if Catholics faithful to tradition are reduced to a handful, they are the ones who are the True Church of Jesus Christ."





Viewing all articles
Browse latest Browse all 1135

Trending Articles