"Talaga namang hindi bankarote ang Iglesia dahil linggu-linggo ay may mga pagsamba na may handugan, may Tanging Handugan, May Lagak, may Lingap, samakatuwid ay mayroong regular na pumapasok na pera sa kaban ng Iglesia tuwing Miyerkules/Huwebes at Sabado/Linggo na pagsamba."-Antonio Ebangelista(hindi niya tunay na pangalan), Ministro ng Iglesia Ni Cristo® sa kanyang blog na Iglesia Ni Cristo Silent No More
Ibig bang sabihin eh nagsinungaling si ReadMeINC sa kanyang pahayag noong 2012 na ang abuluyan daw sa loob ng INC™ ay pawang lahat ay napupunta sa "kawang-gawa"?
![]() |
http://iglesianicristoreadme.blogspot.com/2012/12/saan-napupunta-ang-abuloy-ng-mga.html#.VUndMfmqqko |
Ayon pa kay ReadMeINC:
Hindi po totoo ang akusasyon ng mga asar na asar sa INC na SAPILITAN DAW ang aming handog o kaya namay meron daw kaming IKAPU, ito po ay isang malaking kasinungalingan galing sa Diablo. Ang aming handog ay bukal sa aming puso, iyon ang doktinang natanggap namin sa pagdodoktrina palang ng INC.Pangonsensiya pa nitong tagong Ministro:
Ang abuluyan sa INC ay tuwing pagsamba, Huwebes at Linggo.Ito ay para sa gastusin sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.
Meron din kaming tinatawag na "Tanging Handugan" ito ay optional, pang lokal o pang distrito. Ang panglokal ay para sa gastusin sa lokal tulad ng electric bills, water bills at iba pa. Ang pang distrito naman ay para halimbawa kung may isang lokal sa isang distrito na kelangan irenovate o irepaint dito iyon kinukuha.
At ang handog sa Pasasalamat tuwing December, ito ay aming pinaghahandaan ng isang taon sa pamamagitan ng paglalagak tuwing Linggo. Itong LAGAK na ito ay ang pakunti kunting hulog o ipon at pagsumapit na ang Disyembre kung magkano ang naipon mo iyon ang HANDOG SA PASALAMAT.
"Kayo na po ang bahalang manimbang kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang dapat paniwalaan."
Ang hirap ngang manimbang. Pareho kayong gumagamit ng di tunay na pangalan. Pareho kayong nag-sisilbi sa Central ng INC™ at pareho kayong may katungkulang itinuturing na previledged.
Pero ang pagkakaiba lang eh si ReadMeINC ay takot at ayaw isiwalat ang katotohanan tungkol sa katiwalian ng pananalapi sa pangunguna ng kanilang General Auditor.
Ayon sa kanyang blog, si ReadMeINC daw ay Kadiwa Finance Officer, posibleng kasabwat ito ng mga tiwaling Ministro.