Quantcast
Channel: In Defense of the Church
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1135

Bakit CIUDAD DE VICTORIA ang tawag sa lugar na tinayuan ng “Iglesia ni Cristo Arena”?

$
0
0
Hindi sikreto ang itinatayong malaking gusali ng pamilya ni Felix Manalo. Kung ito’y matatapos ngayong taon, ito ay tatanghaling pinakamalaking indoor arena sa buong mundo—pasok sa Guinness Book of Records.

Bagamat maipagmamalaking maituturing ito ng bansang Pilipinas ngunit hindi naman ito pag-aari ng bansa at hindi lahat ng Pilipino ay kaanib ng Iglesia ni Cristo (Registered Trademark). Mangyari kasing halos mahigit kumulang lamang na 4 milyon ang kanilang mga kaanib laban sa halos 80-85% na mga Katoliko. Sa buong populasyon ng bansa 2.3% lamang ang kanilang bilang ayon sa Wikipedia


Sinasabi ng pamunuan ng INC-1914 na ito’y bukas sa mga Sports Events ng bansa, ngunit wala silang malinaw na patakaran kung maari ba itong pagdausan ng malalaking gathering tulad ng mga El-Shaddai ni Mike Velarde o ang Bible Exposition ng ADD (Ang Dating Daan) o ng grupo ni Eddie Vilanueva ng Jesus is Lord Church o ng Catholic World Youth Day.

Di bale na. Hindi lang naman kasi tayo pwedeng hihirit sapagkat ang intention naman ng gusaling yan ay upang MAIPALAGANAP ang aral ni FELIX MANALO at ang angkan ng mga MANALO.

Ang “Philippine Arena” ay itinatayo sa may Bucaue, Bulacan sa CIUDAD DE VICTORIA sa Español—sa English ay “City of Victory”.

Bakit hindi tinagalog ang “Ciudad de Victoria”?

Lalabas kasi na masyadong obvious na!

Yung INC nga ay pinapangalanang Iglesia ni Manalo. Eh kung tatagalugin pa nila ang Ciudad de Victoria ay sigurado ay malaking batikos na naman ito sa pamilyang Manalo na siyang may-ari ng INC.

Ang Ciudad de Victoria ay sadyang pinili dahil akmang-akma ito sa pangalan ng nagtatag ng Iglesia ni Cristo na si MANALO.

Ang “Victoria” kasi sa Tagalog ay “Tagumpay” o "Pagwawagi" at ang ibig sabihin ng Tagumpay ay MANALO.

Kaya’t ang CIUDAD DE VICTORIA kapag Tinagalog na ay magiging LUNGSOD NG MANALO!
Ganon din naman ang kanilang New Era University (kuha sa pangalan ni EraÑo-Era New)—Manalong Manalo talaga ang lahat ng mga establisimiento ng Iglesia ni Cristo-1914.

Ito’y sapagkat ang Iglesia ni Cristo ay tatag ni Felix Manalo kaya’t nararapat lamang na sa kanila ang lahat ng mga pamamahala at ari-arian nito sa batas ng bansa.

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
Kita niyo na?

At pagpapatayo ng malaking areana ay para sa kanilang ika-100 taong anibersaryo ng TAGUMPAY ng mga MANALO sa kasaysayan ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo (Registered Trademark).

Viewing all articles
Browse latest Browse all 1135

Trending Articles